Mahigit 1,000 mga Pinoy sa Southern Thailand, dumagsa para magpatala para sa 2025 elections

1,344 Filipinos sa Phuket, Thailand ang lumahok sa registration para sa halalan sa 2025.

Kasabay ito ng Consular Outreach and Assistance-To-Nationals Mission ng Philippine Embassy sa Southern Thailand.

Kasama sa mga nagpatala ang ilang first-time overseas voters.


Kabilang din sa dumagsa para sa serbisyo ng embahada ang mga Pinoy sa Krabi at Surat Thani sa nasabing bansa.

Karamihan sa mga Pinoy sa Southern Thailand ay nagtatrabaho sa hotels, restaurants, at hospitality industries sa mga sikat na tourist destinations doon.

Facebook Comments