Bilang ng mga nagkaka-dengue sa Central Visayas at Mindanao, tumaas

Tumaas ang bilang ng mga nagkaroon ng dengue sa Central Visayas at Mindanao sa unang dalawang buwan ng 2019.

Batay sa Department of Health (DOH), mahigit 4,000 na ang kaso ng dengue sa Central Visayas na 231 percent na mas mataas sa 1,232 na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon sa DOH, pumalo na sa 29 na ang namatay sa dengue sa nasabing lugar.


Samantala, pumalo naman sa 1,300 ang naitalang nagkaroon ng dengue sa Zamboanga Peninsula kung saan siyam na ang nasawi.

Dahil dito, mas pinaigting ng mga Local Government Unit o LGUs ang mga paglilinis at fumigation laban sa sakit.

Facebook Comments