Manila, Philippines – Tumataas na ang bilang ng nagkakasakit sa mga evacuation centers ang mga residente sa Marawi City na naapektuhan ng patuloy na bakbakan sa pagitan ng Maute at militar.
Sa interview ng RMN kay Marawi City Health Office Dr. Ali Daligdig – nakipagsanib pwersa na ang Deparment of Health sa LGUs upang matugunan ang problemang pangkalusugan sa mga evacuation centers.
Ayon kay daligdig – ilan sa mga naitala nilang sakit ay common colds, skin diseases, sakit sa tiyan at marami pang iba.
Sa kabila nito, tiniyak ng opisyal na sapat pa ang mga gamot para sa mga “bakwit”.
Aminado naman si Ali na kung tatagal ang tensyon sa Marawi ay hindi na nila makakaya dahil maging sila ay kabilang na rin sa mga evacuees.
Sa ngayon ay nasa mahigit 200,000 “bakwit” na ang apektado ng bakbakan.
DZXL558