Bilang ng mga nagnegatibo sa swab test ng PCG, umabot na sa mahigit 150,000

Umaabot na sa 150,069 ang nagnegatibo sa COVID-19 swab test na isinagawa ng medical team ng Philippine Coast Guard (PCG).

Partikular sa repatriated Pinoys na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa seaports.

108,311 dito ay dumating sa NAIA at 17,034 ay sakay ng mga cruise ship na dumaong sa Manila Bay.


Karamihan sa mga ito ay sumailalim sa quarantine sa Eva Macapagal Super Terminal, Philippine Area at iba pang quarantine facilities.

Umaabot naman sa 36,467 ang naihatid na ng mga barko ng PCG sa mga lalawigan sa ilalim ng Balik Probinsya Program.

Facebook Comments