COVID -19 cases sa bansa, mahigit 72,000 na

Nadagdagan pa ng 1,594 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Dr. Beverly Ho, Department of Health -Director for Health Promotion and Communication Service, umakyat na sa 72,269 ang confirmed cases sa bansa kung saan 46,803 ang aktibong kaso.

Anim (6) ang napaulat na nasawi na sumampa na sa 1,843.


Umakyat naman sa 23,623 ang mga gumaling matapos madagdagan ng 342.

Facebook Comments