Bumaba ang bilang ng mga cancer patients na pumupunta ng mga hospital at clinic noong mga unang buwan simula ng magkaroon ng pandemya.
Sa interview ng RMN-Manila, sinabi ni Dr. Fred Ting, Medical Oncologist sa Riverside Medical Center-Bacolod, karamihan sa mga cancer patients ay hindi na bumabalik sa kanilang follow-up check-up dahil sa takot na mahawaan ng virus.
Aniya, karamihan sa kanilang mga pasyente ay lumala ang kalagayan nang muling bumalik sa hospital.
Bagaman mataas ang tiyansa nilang mahawaan, nilinaw ni Dr. Ting na natural lamang na makaramdam ng matakot pero hindi kailangan itigil ang pagpapaggamot at pagpapa-check-up ng mga ito.
Ang tanging kailangan lamang aniya sa ngayon ay ang mas ibayong pag-iingat at patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga doktor.
Dagdag pa niya, may hiwalay na pasilidad na nakalaan sa mga COVID patients at sumusunod ang mga hospital sa health protocols.