Umakyat na sa 800,000 ang bilang ng mga Pilipinong nagparehistro na sa first step ng Philippine Identification System (PhilSys).
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), sa kabila ng naranasang technical errors sa website nito noong nakaraang araw, agad naman itong naisaayos.
Sa ngayon ay aabot na sa 34 million na Pilipino ang nakumpleto na ang Step 1 registration sa pamamagitan ng house-to-house collection ng demographic data sa mga prayoridad na probinsiya.
Kabilang sa mga impormasyon na kinuha sa Step 1 ay ang pangalan, kasarian, lugar, kapanganakan, kaarawan, blood type, citizenship, marital status, cellphone number at email address.
Habang sa Step 2 registration, umabot na sa 4.6 milyon na Pilipino ang sumalang at sasailalim ang mga ito sa iris scans, fingerprint scans, front-facing photograph sa mga local registration centers.
Sa Step 3 o final step ay ibibigay na ang PhilSys Number (PSN) at physical ID ng mga kumuha nito.