Pumalo sa 3,460,599 ang mga nagparehistro para sa eleksyon sa susunod na taon.
Ayon sa Comelec, pinakamarami sa mga nagparehistro ay mula sa Region 4A o CALABARZON na umabot sa 411,592.
Pangalawa at pangatlo ang Metro Manila at Central Luzon na may 295,357 at 289,338 na mga nagparehistrong botante.
Pinakamaliit na bilang naman sa Region 2 o Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa Region 2, umabot lamang sa 99,265 ang nagpaparehistro habang sa CAR ay nasa 46,464.
Facebook Comments