Higit P2-M Marijuana Plantation, Nadiskubre sa Kalinga

Cauayan City, Isabela- Aabot sa higit P2 milyon ang halaga ng Marijuana Plantation na pinagbubunot at sinunog ng mga otoridad sa dalawang araw na operasyon sa Barangay Bugnay, Tinglayan, Kalinga.

Matagumpay itong nasira ng mga kasapi ng Kalinga Police Provincial Office, RID at RIU 14 – PROCOR, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Kalinga.

Una rito, nadiskubre ng mga otoridad ang nasa humigit kumulang 10,400 fully grown Marijuana na may kabuuang halaga na P2,080,000,00 at nakatanim sa 1,300 square meters na lupain.


Ayon naman kay PCol. Davy Vicente Limmong, Director ng Kalinga Police, ang pagkakadiskubre sa plantasyon ng mga Marijuana ay dahil sa pinaigting na kampanya kontra iligal na droga.

Facebook Comments