Bilang ng mga nagparehistro sa unang linggo ng registration, umabot sa halos 350,000

Pumalo sa halos 350,000 ang bilang ng mga botante na nagparehistro sa unang linggo ng voters registration na ikinasa ng Commission on Elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nagsimula ito noong February 12 hanggang 17.

Sa naturang bilang, Region 4-A ang nakapagtala ng may pinakamataas na nagprehistro na umabot sa halos 62,000.


Sinundan ito ng National Capital Region na umabot sa mahigit 48,000.

Nakapagtala naman ang Cordillera Administrative Region ng may pinakamababang bilang ng mga nagparehistro na umabot lamang sa halos 4,000 lamang.

Nagsimula ang voters registration noong February 12 at tatagal ng hanggang September 30.

Paghahanda ito para sa 2025 midterm elections.

Facebook Comments