Bagong ambassador ng Australia sa South Korea, nag-courtesy call sa Philippine Embassy sa Seoul

Nag-courtesy call kay Philippine Ambassador to the Republic of Korea Theresa Dizon-De Vega si Australian Ambassador-designate Jeff Robinson.

Nagsentro ang pagpupulong ng dalawang diplomat sa isyu ng regional opportunities gayundin sa lalo pang pagpapalakas sa alyansa ng Pilipinas at Australia.

Ito ay lalo na’t iisa ang hangarin ng dalawang bansa sa maritime democracies at sa adbokasiya sa kapayapaan at kaunlaran sa Asya.


Kumpiyansa naman ang Embahada ng Pilipinas na magiging produktibo ang pananatili ni Ambassador-designate Robinson sa South Korea.

Facebook Comments