Bilang ng mga nagpatala para sa halalan sa susunod na taon, umaabot na sa 5.7 million

Kinumpirma ni Commission on Election o COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na umaabot na sa 5,727, 223 ang mga bagong registrant para sa halalan sa susunod na taon.

Umaasa naman ang COMELEC na aabot sa halos 8.9 million ang mga bagong botante na magpapatala sa pagtatapos ng registration sa Sept. 30 ng taong ito.

Nanindigan naman ang komisyon na hindi na palalawigin ang deadline ng registration.


Kabilang na rito ang pagpapatala ng mga Filipino sa Philippine posts sa ibayong dagat.

Facebook Comments