Bilang ng mga nagpopositibo sa HIV, tumaas

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa Human Immune Deficiency Virus o HIV sa bansa.

Sa datos ng Department of Health (DOH) nitong Marso, nitong 2018 ay nasa 32 tao ang average na nada-diagnose ng HIV kada araw, pero tumaas na ito sa 38 ngayong 2019.

Malaking porsyento nito ay naipasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik.


Nasa 1,172 ang naitalang bagong kaso ng HIV nitong Marso kung saan 50% ang may edad 25 hanggang 34-anyos.

Habang 31% ay mga kabataang edad 15 hanggang 24.

Ayon kay DOH Undersecretary Eric Domingo – lumalabas din sa datos na halos dumoble ang porsiyento ng mga kabataang nagpositibo sa HIV nitong nagdaang dekada kumpara noong 2000 hanggang 2009.

Paalala ng DOH na libre ang pagpapa-test at gamot sa mga center sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Mainam na maaga pa lang ay ma-detect na ito at tuloy-tuloy ang gamutan.

Facebook Comments