Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Bontoc at La Trinidad sa CAR, umabot na sa 89

38

Umakyat na sa 83 na close contacts sa Bontoc, Mountain Province ang nagpositibo sa COVID-19, habang 6 naman ang nagpositibo rin sa virus sa La Trinidad, Benguet.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ito ay mula sa natukoy na 410 na close contacts sa Bontoc at 37 mula naman sa La Trinidad.


Kasama aniya sa 83 na nagpositibo sa COVID-19 sa Bontoc ang naunang 12 na positibo sa UK variant.

Mula sa 83 ay 8 ang isasailalim pa sa genome sequencing para malaman kung anong variant ang nakaapekto sa kanila.

Sa anim naman na nagpositibo sa La Trinidad ay dalawa ang idadaan sa genome sequencing.

Nilinaw naman ni Usec. Vergeire na hindi lahat ng nagpositibo ay maisasalang sa genome sequencing dahil depende pa ito sa dami ng sample na makukuha mula sa kanila para sa pagsusuri.




Facebook Comments