PCSO, nababahala sa lumalalang online sabong

67

Naaalarma ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa lumalalang online sabong na kinagigiliwan ngayon ng publiko kung saan naaapektuhan umano ang kanilang benta.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, hiningi niya sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na habulin ang mga operator ng online sabong dahil wala namang permiso ang mga ito mula sa kanilang tanggapan.


Paliwanag ni Garma, marami nang nawiwili sa online sabong kaya’t maging ang kanilang benta ay naaapektuhan na dahil sa maraming tumatangkilik sa naturang laro.

Napapanahon na umano na matigil na at maisara ang online sabong at dapat na rin managot ang mga operator na nasa likod ng naturang operasyon.

Facebook Comments