Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa evacuation center sa lungsod ng Marikina, umakyat na sa lima

Umabot na sa 5 evacuees sa Marikina City ang nagpositibo sa COVID-19

Ito ang kinumpirma ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro kasunod ng pananatili ng mga residente sa evacuation center matapos ang pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay Teodoro, naka-isolate na ang mga naturang pasyente at binibigyan na ng atensyong medikal.


Paliwanag pa ni Teodoro, halos 11,000 evacuees na ang sumailalim sa random anti-body testing kung saan 153 ang active cases.

Negatibo naman sa virus ang mga naging close contact ng lima.

Sa ngayon, nasa 190 na mga contact tracer ang naka-deploy at nagmomonitor sa mga evacuation center sa lungsod.

Facebook Comments