Bilang ng mga Nagpositibo sa COVID-19 sa Quirino Province, Dumoble

Cauayan City, Isabela- Dumoble na ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Quirino batay sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office (PHO).

Sa datos, 442 na ang active cases mula sa 719 na confirmed cumulative cases ng probinsya.

Habang 266 na ang ‘recovered’ sa naturang sakit at labin-isa (11) na ang naitalang namamatay.


Kaugnay nito, pinakamarami pa rin na naitala ang bayan ng Diffun na pumalo sa 196; Cabarroguis na 44; Saguday 39; Aglipay na may 47; Maddela na nakapagtala ng 56 habang 60 sa bayan ng Nagtipunan.

Kaliwa’t kanan ngayon ang panawagan ng lokal na pamahalaan sa publiko na sundin ang minimum health standard upang makaiwas sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments