Bumaba ng 10% ang bilang ng mga batang naiparehistro noong 2021 ayon sa Philippine Statistic Authority Region 1 kumpara noong nakaraang taon.
Sa isang forum inihayag ni La Union Civil Registration Services outlet supervisor Joseph Estoesta, base sa kanilang datos nasa walong bata kada oras ang ipinapanganak sa rehiyon.
Nangunguna ang Pangasinan sa may pinakamaraming bilang kung saan nasa dalawampung libo pataas ang bilang ng mga sanggol na isinilang at naiparehistro ng kanilang mga magulang.
Sa nasabing bilang nangunguna ang Lungsod ng Dagupan na mayroong 8,461, pangalawa ang San Carlos City na may 7,125, pangatlo ang Urdaneta City na nasa 5,753 habang 4,866 naman ang Alaminos City.
Samantala, nasa 33% ng nasabing bilang ay naitalang unang anak o panganay. | ifmnews
Facebook Comments