Cauayan City, Isabela- Inaasahang darating sa ilang mga hospital na pinamamalakad ng Provincial Government ng Isabela ang vaccine allocation upang magamit ng mga healthcare workers laban sa COVID-19.
Sa panayam ng iFM Cauayan kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, handang-handa na ang vaccine roll-out sa probinsya at may inilaan na ring lugar kung saan isasagawa ang pagbabakuna sa mga kabilang sa listahan ng prayoridad.
Aniya, may mga grupo na rin ang tututok sa pagbabakuna sa bawat vaccination site sa buong probinsya.
Ayon pa kay Binag, 14 na hospital sa lalawigan ang mabibigyan ng mga bakuna na ipapamahagi sa top 1 priority kung saan ang mga healthcare worker.
Tinatayang nasa 2,654 ang mababakunahan sa probinsya maliban nalang sa senior citizen na na hindi aniya ‘eligible’ sa SINOVAC vaccine kung kaya’t may mga bakuna na hiwalay na ituturok sa kanila.
Sa Milagros District Hospital sa bayan ng Cabagan, nasa 135 na ang willing magpaturok habang sa Echague District Hospital ay nasa 109 na.
Target pa rin ngayon ng PLGU Isabela ang mabakunahan ang mga Isabeleño kung kaya’t naghihintay rin ng dagdag na bakuna na binili mula sa kumpanya ng Novavax vaccine.