Bilang ng mga naitalang krimen na sangkot ang mga Chinese nat’l sa Metro Manila, tumaas

Bahagyang tumaas ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga Chinese nationals sa Metro Manila.

Sa datos ng Southern Police District (SPD) mula nitong December 25, aabot sa 591 crime incidents ang kanilang naitala kung saan kinasasangkutan ito ng mga Chinese bilang biktima o kaya naman ay suspek.

Mataas ito ng 26.28% kumpara noong 2018 na nasa 468 na kaso lamang, habang noong 2017 ay nasa 235 na kaso, at noong 2016 na nasa 157 na kaso.


Mula sa kasalukuyang bilang ng krimen, mayroong limang kaso ng abduction, 21 kaso ng illegal detention, at 28 para sa kidnapping.

Ayon kay SPD spokesperson, major Jaybee Bayani – maraming naitalang kaso sa Pasay (201 cases), sumunod ang Makati (163) at Parañaque (140).

Ang SPD ay binubuo ng mga police stations ng Pasay, Makati, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Taguig at Pateros.

Facebook Comments