Karagdagang insentibo para sa mga drivers ng Grab na bumibiyahe tuwing rush hour, pinag-aaralan

Sinisilip na ng Grab Philippines na bigyan ng karagdagang insentibo ang mga driver para hikayatin ang mga ito na bumiyahe tuwing rush hours.

Ayon kay Grab Philippines Public Affairs Manager Nicka Hosaka – umaasa sila na magbubukas ng karagdagang slots ang LTFRB para sa application ng mga bagong units ng Transport Network Vehicle Service (TNVS).

Nabatid na tumataas ang pasahe tuwing rush hour dahil sa kakulangan ng mga driver.


Facebook Comments