Nasa 688 kaso ng COVID-19 ang posibleng madagdag sa naitatalang bagong kaso ng sakit kada araw kung paluluwagin ang physical distancing sa mga pampublikong sasakyan.
Ito ay base sa pagtaya ni dating COVID-19 Task Force Adviser Dr. Anthony Leachon.
Sa isang panayam, binigyang-diin ng medical expert ang kahalagahan ng one-meter distancing rule bilang pinaka-epektibong hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Aniya, naibababa ng isang metrong distansya ang viral transmission sa 82% habang 91% kung nagpapatupad ng two-meter physical distancing.
Kasabay nito, nagbabala rin si Leachon ng mas maraming pasahero at galaw ng mga tao sa nalalapit na holiday season.
Facebook Comments