Umabot na sa mahigit 5.3 milyon ang naiturok na bakuna ng Quezon City local government sa lungsod ng Quezon laban sa COVID-19.
Batay sa datos ng QC Epidemiology and Surveillance Unit o CESU, umabot na sa 5,336,979 doses ng bakuna ang naiturok na sa lungsod sa pagpapatuloy ng QC-Protek TODO Vaccination Program.
Ayon sa ulat, sa tulong ng healthcare workers, staff at volunteers, umabot na sa 2,323,129 ang fully vaccinated individuals.
Sa nasabing bilang, kasama na rito ang bilang ng mga naturukan ng single-dose vaccine na Janssen.
Umakyat na rin sa 2,234,268 na naninirahan at manggagawa ang nabakunahan ng isang dose ng vaccine habang nasa 276,540 ang kasalukuyang bilang ng batang may comorbidity.
Facebook Comments