DILG, nagbabala sa mga barangay chairman na huwag sumama sa motorcade ng mga kandidato

478

Nagbabala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño sa lahat ng mga barangay chairman na huwag sumama sa mga kampanya at motorcades ng national candidates dahil posible silang makasuhan.

Ayon kay Diño, dapat na pairalin ng mga kapitan ng barangay ang pagiging non-partisan at hayaan ang mga kandidato ang manuyo at mangampanya sa mga botante.

Sinabi pa nito na tungkulin ng barangay officials na siguraduhin na sumusunod sa kanilang regulasyon ang mga kandidato at hindi gagawa ng gulo sa kanilang nasasakupan.


Aniya, maaaring kasuhan ang mga chairman sakaling may magreklamo at mapatunayan ang akusasyon.

Hindi dapat na impluwensiyahan ng barangay officials ang kanilang mga nasasakupan dahil may kalayaan ang bawat isa na mamili ng kanilang iboboto.

Facebook Comments