Bilang ng mga naka-admit na pasyenteng may COVID-19 sa PGH, patuloy na bumababa

52

Inihayag ngayon ng Philippine General Hospital (PGH) na patuloy na bumababa ang bilang ng mga naka-admit nilang pasyenteng may COVID-19.

Sa datos ng PGH, nasa 284 na lamang ang naka-admit na pasyente sa kanilang COVID wards kung saan mas mababa ito kumpara noong nakaraang linggo na nasa 310.


Bawat pasyenteng naka-admit ay pawang positibo sa virus.

Nasa 1,414 naman ang naitalang nasawi sa COVID-19 habang umaaabot sa 4,759 ang nakalabas na ng hospital o mga nakarekober sa sakit.

Sa kabuuan, pumalo sa 6,494 ang kabuuang bilang ng na-admit na pasyenteg may COVID-19 sa PGH simula noong February 2020 ng maging referral ito ng mga indibdiwal na nahawaan ng nasabing sakit.

Facebook Comments