Mahigit 6,000 mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19, gumaling sa Bayan ng Pateros

91

Umakyat na sa 6,249 na may aktibong kaso ng COVID-19 kung saan 579 ang aktibong kaso at 88 naman ang mga binawian ng buhay sa naturang munisipalidad.

Ayon kay Pateros Mayor Ike Ponce, umakyat na sa 6,249 ang kaso ng COVID-19 sa Pateros kung kaya’t dapat maging masunurin ang mamamayan sa ipinatutupad na health protocol at doble ang kanilang pag-iingat.


Paliwanag ng alkalde, mahalaga na palagiang sumunod sa mahigpit na ipinatutupad na Health Protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF) para agarang mapigil ang hawaan ng COVID-19 sa naturang bayan.

Pinaalalahanan ni Ponce ang publiko na palagiang maghugas ng kamay at magsuot ng face mask at face shield upang maiwasan ang hawaan sa naturang munisipilidad.

Facebook Comments