Bilang ng mga nakakarekober sa COVID-19 sa buong bansa, higit 900,000 na

Umabot na sa 903,665 ang bilang ng mga nakakarekober sa COVID-19 sa buong bansa ayon sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH).

Ito’y matapos makapagtala ng 20,509 na gumaling habang 109 naman ang nadagdag sa bilang ng pumanaw.

Dahil dito, nasa 16,783 ang kabuuang bilang ng nasawi sa COVID-19.


Bumaba na rin sa 8,162 ang naitalang karagdagang kaso ng virus ngayong araw kung saan nasa 77,075 ang kabuuang bilang ng mga naitalang aktibong kaso sa bansa.

Sa kabuuan, pumalo sa 997,523 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 habang walong laboratoryo ang hindi nakapagpasa ng kanilang datos at 2 laboratoryo naman ang hindi nag-operate ng kanilang pasilidad noon pang April 23, 2021.

Facebook Comments