Bilang ng mga nakakarekober sa COVID-19 sa Pasay City, patuloy na tumataas

Muling nadagdagan ng 12 ang bilang ng mga residente ng Pasay City na nakarekober sa COVID-19.

Dahil dito, pumalo na sa kabuuang bilang na 944 ang mga gumaling sa virus habang nasa 73 ang bilang ng nasawi.

Base pa sa tala ng Pasay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, umaabot na sa 1,911 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.


Nasa 49 ang suspected at 442 ang probable cases.

Bagama’t tumataas ang bilang ng mga nakakarekober, muling pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang bawat residente nito na mag-ingat at manatiling ligtas sa sakit.

Patuloy rin ang pag-iikot ng Pasay Local Government Unit (LGU) sa bawat barangay para magsagawa ng sanitation at disinfection na bahagi ng kanilang proyekto kontra COVID-19.

Maging ang conference room ng Pasay City Hall ay ginawa nang COVID-19 Headquarters (HQ) para sa iba pang pagpapalakas ng pagtugon ng Pasay LGU sa pandemic at mga kaakibat nitong usapin.

Facebook Comments