Bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa buong bansa, higit 6,000 na ayon sa DOH

Umaabot sa 6,127 ang naitalang bilang ng nakarekober na indibdwal sa COVID-19 sa buong bansa.

Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH), dahil sa nasabing nadagdag na nakarekober, pumalo na sa 1,397,403 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa nasabing sakit.

Nakapagtala naman ng 5,916 na karagdagang kaso ng COVID-19 kaya’t ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ay nasa 49,701.


89.3 percent sa nasabing bilang ng active cases ay pawang mga nakakaranas ng mild symptoms habang 1.5 percent ang critical; 2. 4 percent ang severe; 1.70 percent ang moderate at 5 percent ang asymptomatic.

Nadagdagan rin ng 105 na pumanaw sa COVID-19 kung saan ang total nito ay nasa 25,921 na.

Sa kabuuan, ang bilang ng naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong bansa ay nasa 1,473, 025.

Ayon pa sa pinakahuling ulat na hawak ng DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 9, 2021 habang mayroong tatlong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa nasabing datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng tatlong laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.7% sa lahat ng samples na nasuri at 0.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Facebook Comments