Bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa lungsod ng Pasay, patuloy na tumataas

31
Photo Courtesy: Pasay City Public Information Office Facebook Page

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nakakarekober na mga residente sa COVID-19 sa lungsod ng Pasay.

Sa inilabas na datos ng Pasay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, nadagdagan ng 13 ang bilang ng mga nakarekober, kaya’t nasa 6,934 na ang kabuuang bilang nito.


Habang 34 naman ang nadagdag sa active cases na dahilan para umabot sa 161 ang kabuuang bilang.

1 naman ang naitalang nasawi kung kaya’t 186 na ang total nito habang 7,281 ang kumpirmadong kaso.

Nasa 75 mula sa 201 na barangay ang nakapagtala ng aktibong kaso kung saan ang Brgy. 183 o Villamor area ang nangunguna na may 20 ang bilang.

Facebook Comments