Bilang ng mga nakarekover sa COVID-19 sa lungsod ng Parañaque, nasa higit 21,000 na

Pumalo na sa higit 21,000 ang bilang ng indibidwal sa lungsod ng Parañaque na naka-rekober sa COVID-19.

Base sa inilabas na update ng City Health Office at City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), nasa 21,779 na ang bilang ng mga gumaling sa virus.

Nakapagtala naman ng 256 na aktibong kaso sa buong lungsod habang nasa 500 naman ang bilang ng nasawi.


Ang kabuuang bilang naman ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Parañaque city ay nasa 22,535.

Nangunguna sa listahan ng mga barangay na nakapagtala ng mataas ng kaso ng virus ay ang BF Homes na may 45 na kaso, sinundan ng Don Bosco na nasa 32; Sun Valley – 29 at San Dionisio na may 22 na aktibong kaso.

Muling pinapaalalahanan ng lokal na pamahalaan ng Parañaque na mag-doble ingat upang hindi na tumaas pa ang kaso ng virus lalo na ngayong may bagong variant nito na naitala na sa bansa.

Facebook Comments