Bilang Ng Mga Nakatakas Na Preso Sa North Cotabato Provincial Jail Matapos Ang Ginawang Pag-Atake Ng Armadong Grupo, Uma

14

KIDAPAWAN CITY – Aabot sa 158 preso ang nakatakas matapos ang ginawang pag-atake ng daan-daang armadong kalalakihan sa Amas provincial jail sa Kidapawan City, North Cotabato kaninang madaling araw.Sa naging panayam kay jail warden supt. Peter John Bongngat, mahigit 100 na mga armadong kalalakihan ang umatake sa likurang bahagi ng kulungan para patakasin ang isang lider umano ng breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front o MILF pati na ang ibang mga kasama nito.Mahigit isang oras din tumagal ang putukan kung saan natigil lamang ito makaraang tumakbo ang mga umatake nang dumating ang back-up na mga sundalo.Dagdag pa ni Bungat, isang jail guard ang namatay na kinilalang si JO1 Excel Ray Vicedo na naisugod sa ospital pero idineklarang dead on arrival dahil sa matinding sugat na natamo kung saan marami ding preso ang sugatan sa naturang pag-atake.Sinabi pa ng opisyal na itinaas na sa heightened alert ang paligid ng Amas district jail pati ang paligid ng provincial capitol compound at nagsasagawa na din sila ng hot pursuit operation para mahuli ang mga nakatakas na preso.Kinansela naman ang pasok ng mga paaralan sa naturang barangay at sa kalapit na barangay dahil sa nangyaring pag-atake.

Facebook Comments