Pba Veteran Asi Taulava, Mananatili Na Sa Nlex Road Warriors Matapos Ang Pakikipag-Usap Nito Kay Coach Yeng Guiao

11

MANILA – Pansamantala munang ipagpapaliban ng veteran player na si Asi Taulava ang kaniyang naging unang desisyon na lumipat ng koponan dahil sa kakulangan ng kaniyang playing time sa NLEX road warriors.Matapos ang kaniyang pakikipag-usap kay Coach Yeng Guiao kasama ang team manger na si Ronald Dulatre, napag-desyisunan na mananatili na muna sa ngayon ang 43-anyos na si Taulava sa NLEX road warriors.Sinasabing nakakaramdam ng frustrations si Asi dahil sa nakukuhang pagkatalo ng knaiyang koponan kung saan hindi pa rin siya 100 percent healthy dahil sa natamong heel injury sa opening game ng PBA Philippine Cup.Sa ngayon, maghahanap ng ibang option si coach Yeng at buong management ng NLEX kung paano makakasabay sa style ng play ng kanilang koponan ang tinaguriang “the rock” ng PBA.

Facebook Comments