Baguio, Philippines – Hindi itinatanggi ng ating Alkalde na si Mayor Benjamin Magalong ang kalidad ng ating nilalanghap na hangin sa ating lungsod ay sumasama.
Ipinahayag ni City Planning Officer, Antoinette Aniban na 2,136 ang namatay na dahil sa mga sakit na dala ng polusyon,noong taong 2015, mayroong 2,181 ang naitalang kaso ng pagkamatay at sa sumusunod na taon ng 2016, nadagdagan pa ito ng 2,129, noong 2017 naman ay naitalang 2,267 at ang 2018 naman ang may pinakamataas na naitalang bilang ng pagkamatay dahil sa polusyon na umabot ng 2,338. At sa pagpasok naman ng 2019, 1,767 naman ang naitalang bilang kung saan ay kapansin-pansin na bumaba ito kumpara noong mga nakaraang limang taon,
Ayon kay Aniban, ang mga nangungunang sanhi ng pagkamatay, ay ang Asthma, influenza like illness,Bronchitis, Dengue fever, hypertension, acute gastroenteritis, Systemic viral infection, kagat ng aso, pneumonia at upper resperatory tract infection o URTI
Mahigpit naman na idinidiin ng ating Alkalde ang low carbon transport system dahil sa mataas na kaso ng nabibiktima ng masamang hangin sa ating lungsod at ang masamang epekto nito sa kalusugan,
Ayon sa datos, mahigit 603,243 na mga sasakyan at 22,870 ang mga motorsiklo ang mga naitala dito sa ating syudad
Kaya isang paraan ng ating alkalde para mabawasan ang polusyon at maibalik ang mabuting kalidad ng hangin, ay ang programa tulad ng modernization of public transport.
iDOL, ano kaya ang mabuting gawin para gumanda ang kalidad ng ating hangin?