Bilang ng mga namamatay sa COVID-19 sa bansa, mataas pa rin ayon sa DOH

Aminado ang Department of Health (DOH) na mataas pa rin ang bilang ng mga namamatay sa bansa sa COVID-19.

Ayon sa DOH, nitong Mayo ay nasa average na 77 kada araw ang namamatay sa bansa sa COVID-19.

Ito ay kung pagbabatayan ang 2,389 na kabuuang bilang ng mga namatay sa buwan ng Abril.


Nilinaw naman ni Dr. Alethea de Guzman, mas mababa ito kumpara sa 111 na average na namatay sa sakit noong Abril na umabot sa kabuuang 3,324.

Sinabi ni Dr. De Guzman na mas mataas pa rin ang bilang ng mga namatay nitong Mayo kumpara noong Agosto at Setyembre ng 2020 kung saan nag-average ng 69 at 62 araw-araw.

Facebook Comments