Pumalo na sa 57 ang mga nasawi sa pananalasa ng tropical depression Usman sa Bicol Region habang 11 ang nawawala.
Batay sa datus ng Office of Civil Defense (OCD) sa Region V, nasa 15 ang nasawi sa Albay, anim sa Sorsogon, 23 sa Camarines Sur, 6 sa Camarines Norte at pito sa Masbate.
Ayon kay OCD Region 5 Director Claudio Yucut, karamihan sa mga nasawi ay natabunan ng lupa habang ang iba ay nalunod.
Nakabalik naman na aniya ang karamihan sa mga pamilyang inilikas mula sa pananalasa ng sama ng panahon.
Sabi ni Yucot, patuloy naman ang rescue operation sa mga isolated area gaya ng bayan ng Buhi sa Camarines Sur.
Samantala, kinumpirma naman ni Councilor Ratz Chavez ng bayan ng Sagñay, Camarines Sur na marami pa ring mga residente sa kanilang lugar ang nawawala matapos ang nangyaring landslide sa gilid ng kabundukan.