U.S. President, ipinagmalaki ang progreso ng posibleng trade deal sa China

40

Ipinagmalaki ni U.S. President Donald Trump ang magandang progreso ng pag-uusap nila ni Chinese President Xi Jinping.

Ayon kay Trump – malaki ang naging pag-ulad sa pinaplanong trade deal nila sa Beijing.

Positibo naman si Xi na mapagkakasunduan nila ang ilang bagay na siyang mapapakinabangan ng dalawang bansa.

Nabatid na napag-usapan ng dalawang lider na itigil ang pagpataw ng taripa sa kanilang mga produkto sa loob ng 90 araw na epektibo pa noong December 1.

Facebook Comments