Bilang ng mga namatay na sibilyan sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi City, umabot na sa 44

Marawi City – Umakyat na sa 44 ang bilang ng mga nasawing sibilyan sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi City.

Ang pagdami ng bilang ay bunsod ng patuloy na pagkakatuklas ng mga sundalo sa mga labi ng mga sibilyan na pinatay ng Maute Terror Group.

Sa huling datos ng Armed Forces of the Philippines, umabot na sa 1,711 na sibilyang naipit sa bakbakan ang kanilang nailigtas.


Nasa 303 naman na ang bilang ng mga napatay na terorista, habang 75 naman ang nasawi sa panig ng pamahalaan.

Patuloy din ang isinasagawang clearing operations ng mga militar sa mga lugar na kinubkob ng Maute.

Una nang sinabi ng AFP na maaaring tumaas pa ang bilang ng mga namatay na sibilyan habang patuloy ang kanilang clearing operations.

Facebook Comments