Bilang ng mga namatay sa 7.3 quake na tumama sa border ng Iraq at Iran, umabot na sa 207

58

World – Dalawang-daa’t pito (207) na ang patay habang higit 1,700 ang sugatan sa pagtama ng magnitude 7.3 na lindol sa border ng Iraq at Iran.

Pinakamarami sa mga nasawi ay mula sa Sarpol-E Zahab sa Kermanshah province na umabot sa 100.

Samantala, niyanig din ng magnitude 6.5 na lindol ang Pacific Coast ng Costa Rica.

Naitala ito 10 miles southeast ng Jaco na 100 kilometro lang ang layo sa Capital City na San Jose.

Wala namang naiulat na nasugatan pero ilang poste ng kuryente ang natumba.

Facebook Comments