Working Student, Pinatay

42

Cauayan City, Isabela – Patay ang isang 18 anyos na estudyante ang binaril ng di pa kilalang salarin sa Cauayan City.

Ayon sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan mula sa PNP, ang biktima ay nakilalang si Rodel Bones y Lozada, 18 anyos, criminology student, residente ng Sipat Street, District 1, Cauayan City.

Sa imbestigasyon ng PNP Cauayan, nagmotorsiklo ang biktima gamit ang isang MIO motorcycle upang bumili ng pagkain sa isang JJ Store na matatagpuan sa FL Dy Boulevard, San Fermin, Cauayan City.

Nang siya ay tiyempong aangkas na sa motor upang umuwi ay lumapit ang isang lalaki at binaril siya sa dibdib.

Agarang tumakas ang di pa nakikilalang suspek at itinakbo naman ang bikitima sa isang ospital ngunit namatay ito habang nilalapatan ng lunas.

Ayon sa PNP posibleng pagnanakaw ang motibo ng naturang krimen.

Facebook Comments