Bilang ng mga namatay sa bumagsak na eroplano sa India, nasa 18 na; Black box ng eroplano, narekober na

Natagpuan na ang black box at cockpit voice recorders ng bumagsak na eroplano sa India na ikinamatay ng nasa 18 katao kabilang ang dalawang piloto at 16 na malubhang nasugatan.

Malaki ang maitutulong ng blackbox para matagpi-tagpi ang mga nangyari sa huling sandali ng eroplano bago ito bumagsak.

Matatandaan na karamihan sa mga sakay ng naturang eroplano ay mga repatriated Indian National mula sa Dubai dahil sa COVID-19 pandemic.


Sakay ng Air India Express Flight IX 1344 ang mahigit 190 na pasahero at crew member nang sumadsad at lumagpas sa runway ang eroplano dahilan ng pagkakahati nito sa dalawa.

Batay sa paunang impormasyon, itinuturing na dahilan ang ilang araw na patuloy na malakas na pag-ulan kaya nag-overshoot ang nasabing eroplano sa runway ng airport sa Kerala.

Sa ngayon, nagsasagawa na ang mga awtoridad ng imbestigasyon sa nangyaring insidente.

Facebook Comments