Bilang ng mga namatay sa hurricane Harvey, umakyat na sa 25

Amerika – Umabot na sa dalawampu’t lima ang patay sa pananalasa ng hurricane Harvey sa Amerika.

Pinaka-bago sa listahan ng mga nasawi ang mag-asawa sa Simonton, Texas na nalunod matapos na tangayin ng baha.

Labing pito naman ang nawawala sa flash flood sa Houston, kasama na ang isang sanggol, habang nasa sampung libo naman ang nailigtas ng mga otoridad.


Pinalubog ng bagyo ang mahigit dalawang daan at limampung libong bahay sa Texas at Louisiana.

Sa ngayon ay umabot na sa 75 billion US dollars ang naging pinsala nito na itinuturing na isa sa pinakamapaminsalang bagyo sa Amerika.

Facebook Comments