Bilang ng mga namatay sa magnitude 6.5 na lindol, umabot na sa tatlo

Manila, Philippines – Umabot na sa tatlo ang patay sa nangyaring magnitude 6.5 na lindol sa Leyte.

Ayon kay Kananga Vice Mayor Elmer Codilla – dalawa na ang kumpirmadong patay sa kanilang bayan kung saan isa rito ang nasawi kahapon na noong una’y kritikal ang kundisyon dahil sa pagkakaputol ng kanyang paa.

Aniya, higit nasa 30 ang sugatan kung saan karamihan sa mga ito ay na-discharged na sa ospital.


Nilinaw naman ng bise alkalde na hindi naman lubos na napinsala ang kanilang munisipyo na ginagamit bilang makeshift hospital.

Una nang sinabi sa interview ng RMN ni Ormoc City Mayor Richard Gomez – na may isa ang nasawi sa kanilang lungsod matapos matabunan ng gumuhong lupa sa isa sa kanilang bulubunduking barangay.

Sa ngayon, wala pa ring suplay ng kuryente sa ilang lugar at posibleng tumagal pa ito ng ilang linggo.

Pinag-iingat naman ng PHIVOLCS ang mga residente dahil patuloy ding mararanasan ang mga aftershocks sa mga susunod na araw.

Dahil dito, sisilipin na ng mga lokal na pamahalaan kung may pagkukulang sa pagtatayo ng ilang gusali.

Facebook Comments