Bilang ng mga naninigarilyo sa bansa, bumaba ng anim na porsyento ayon sa Department of Health

Manila, Philippines – Bumaba ng halos anim na porsyento ang bilang ng mga naninigarilyo sa bansa.

Sa inilabas na survey ng Global adult tobacco, mula sa record na 29.7 percent noong 2009 bumagsak sa 23.8 percent nitong 2015 ang naninigarilyo mula edad 15-taong gulang pataas.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Ubial, kabilang sa mga dahilan nito ang mahigpit na pagpapatupad ng sin Tax Reform Law of 2012 o ang pagpataw ng karagdagang buwis sa tobacco na ipinatupad noong 2013.


Malaki rin anya ang naitulong ng kanilang kampanya hinggil sa masamang epekto ng paninigarilyo at ang paglalagay ng graphic health warning sa mga pakete ng sigarilyo.

Batay din sa survey, malaki din ang ibinabang porsyento ng mga second hand smoking sa mga tahanan at pampublikong lugar kung mula sa 25.5 percent noong 2009 naging 13.6 percent na lamang ito noong 2015.

Dagdag pa ng opisyal, dahil sa magandang resulta ng pag-aaral malaki ang tyansa na bumaba ang bilang mga Tobacco Related Illnesses.

Umaasa naman ang DOH na mas gaganda pa ang resulta sa oras na mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Durterte ang Nationwide Smoking Ban.

DZXL558

Facebook Comments