TNT Ka-Tropa, wagi kontra San Miguel Beermen sa nagpapatuloy na PBA Commissioners Cup

46

PBA – Ipinalasap ng TNT Ka-Tropa ang unang talo ng San Miguel Beermen sa nagpapatuloy na PBA Commissioners Cup.

Nanalo ang TNT sa score na 112-103 kung saan naguna sa panalo ng koponan si Donte Greene na may 41-points at 21-rebounds.

Naging isang hamon para sa TNT ang laban dahil sa kawalan nina Jayson Castro, Troy Rosario at RR Pogoy na naghahanda para sa SEABA Championship.

Dahil dito, mayroong nang anim na panalo at dalawang talo ang tnt habang ang Beermen ay may limang panalo at isang talo.

DZXL558

Facebook Comments