Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na bumababa na rin ang mga nako-confine sa mga ospital dahil sa COVID-19.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, mula sa 18,000 highest recorded na kaso sa Metro Manila, ngayon ay nasa 7,000 na lang ang naitatalang average na kaso.
Nangangahulugan aniya ito na naabot na ng National Capital Region (NCR) ang peak o rurok ng kaso ng infection.
Kinumpirma rin ni Vergeire na bagama’t may mga kaso rin na hindi na naire-report sa DOH, batid nilang bumaba na rin ito.
Gayunman, kailangan pa rin aniyang maging maingat ang publiko dahil may ilang lugar ang ngayon pa lamang tumataas ang kaso.
Facebook Comments