HVI at Regional Priority Target ng PNP at PDEA, Natimbog sa Isabela

49
Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga otoridad ang laking binansagang Regional Priority Target List at PDEA High Value Individual (HVI) sa isinagawang drug buy-bust operation sa bahagi ng Brgy. Tuguegarao, Echague, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Almer Gaffud, 48 anyos, walang trabaho, at residente ng Brgy. Silauan Sur, Echague, Isabela.

Batay sa ulat ng pulisya, naaktuhan umano si Gaffud sa pagbebenta ng isang pirasong heat sealed transparent plastic sachet na hinihinalang shabu sa isang poseur buyer.

Agad na inaresto ang suspek nang magpositibo ang naturang operasyon kung saan nakuha mula kay Gaffud ang isa (1) pang piraso ng transparent plastic na naglalaman ng apat (4) pang heat sealed transparent plastic sachet na hinihinala ring shabu.

Narekober rin mula sa suspek ang isang libong piso na buy-bust money.

Pinuri naman ni PCol. Julio R Go, Acting Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang matagumpay na operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Echague Police Station, Regional Drug Enforcement Unit (RDEU), PPIU-PDEU, at ng PDEA-R02 Quirino-PO.



Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Drug Act of 2002.

Facebook Comments