COMELEC, handa sa magiging pasya ng kongreso ukol sa Barangay at SK elections

93

Manila, Philippines – Handa na ang Commission on Elections (COMELEC) sa magiging pasya ng kongreso kaugnay sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Umaasa si COMELEC Spokesperson James Jimenez – na gawing prayoridad ng senado at kamara ang pagtalakay sa panukalang nagpapaliban sa mga nasabing eleksyon.

Pero iginiit ni Jimenez na hindi maiiwasan ang pag-aaksaya ng pondo ng pamahalaan lalo’t target ng ahensya na simulan ang pag-iimprenta ng mga balota sa Hulyo 20.
Una nang sinabi ng poll body na hangga’t walang naipapasang batas ang kongreso patungkol sa naturang eleksyon ay tuloy ang kanilang paghahanda para rito.


Facebook Comments