Manila, Philippines – Umabot na sa tatlong libo at walong daan (3,800) drug personalities ang napapatay sa giyera kontra droga ng Duterte administration.
Ito ay naitala mula Hulyo a-uno, noong nakaraang taon hanggang noong Agosto bente nuwebe ng kasalukuyang taon.
Samantala, pitumpu’t anim na mga pulis, sundalo at operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency naman ang napatay sa war on drugs.
Batay sa tala ng PDEA, aabot na sa mahigit dalawang libong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng higit labing dalawang bilyong piso ang nasabat ng pamahalaan sa mga operasyon kontra iligal na droga.
Facebook Comments