Taxi driver na hinoldap umano ni Carl Angelo Arnaiz, ipinatatawag sa susunod na pagdinig sa Senado

Manila, Philippines – Pinapapunta sa susunod na pagdinig ng Senado ang driver ng taxi na umanoy hinoldap ng 19-anyos na si Carl Angelo Arnaiz na dahilan upang mapatay siya ng mga pulis-Caloocan.

Sa pagdinig ng Senate Public Order and Dangerous Drugs Committee na pinamumumuan ni Senator Panfilo Lacson, nagisa ng mga senador ang chief investigator ng Caloocan City-PNP na si PO2 Rodolfo Bautista matapos niyang makalimutan na ilagay sa affidavit ang plate number at pangalan ng taxi driver na umanoy hinoldap ni Arnaiz.

Dahil dito, nais ni Senator Grace Poe na padaluhin sa Senado ang nasabing driver upang maipaliwanag ang totoong nangyari sa binata.


Facebook Comments